Buking din sa baril MENSAHERO SUKOL SA PANANAKSAK

LAGUNA – Huli ang isang empleyado ng banko makaraang manaksak at makumpiskahan ng baril sa Sta. Rosa City noong Lunes ng gabi.

Ayon sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director, Col. Rogarth Campo kay CALABARZON Regional Director, P/BGen. Eliseo Cruz, kinilala ang suspek na si Iluminado Breton, 40, mensahero, ng Brgy. Sto. Domingo, Binan City.

Habang ang biktima ay kinilalang si Santiago Canon ng Rosewood 1 Subdivision, Brgy. Tagapo, Sta. Rosa City.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, bandang alas-8:30 ng gabi noong Lunes nang bigla na lamang sumugod si Breton sa bahay ni Canon at tangka nitong barilin ang biktima.

Nakita ng anak ng biktima na si Mark Russel Canon ang insidente kaya’t mabilis nitong sinunggaban ang suspek.

Ngunit hindi namalayan ni Russel na may dalang matulis na bagay si Breton na pinagsasaksak ang biktima. Mabilis namang nakatakas si Russel na humingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Agad na nagresponde ang mga barangay tanod na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na nakumpiskahan ng screwdriver at isang

cal. 9mm pistol na kargado ng bala. (CYRILL QUILO)

124

Related posts

Leave a Comment