Buking sa pagkuha ng police clearance NAIS MAKI-TUPAD WANTED ARESTADO

NAGWAKAS sa bangungot sa karsel ang pangarap ng isang lalaki na makasali sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng pamahalaan, nang damputin makaraang mabuking na may warrant of arrest nang tangkaing kumuha ng local police clearance sa Navotas City.

Ibinalibag sa selda si Kenneth Cubos Lozada, 22, ng M. De Vera St., Brgy. Sipac-Almacen, ng lungsod, na kasama sa talaan ng most wanted persons sa siyudad.

Nabatid, nag-apply para sa police clearance si Lozada sa Navotas Police Station sa M. Naval St., Brgy. Sipac-Almacen subalit nabuking na mayroon itong nakabinbing warrant of arrest para sa kasong robbery/snatching kaya’t dinakip noong Sabado.

Sinakote ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Romana M.M.P Lindayag ng Regional Trial Court (RTC) Branch 287 ng Navotas City, para sa kasong robbery/snatching noong Setyembre 27, 2021. (ALAIN AJERO)

24

Related posts

Leave a Comment