BULACAN NAMAKYAW ULIT NG PARANGAL

HINDI pa man humuhupa ang pagdiriwang ng Bulacan, kinilalang pinakamayamang lalawigan sa buong bansa, muli itong rumatsada makaraang humakot ng parangal para naman sa husay ng programa sa population development.

Sa pagtatapos ng validation ng Commission on Population and Development (CPD) – Region III, nasungkit ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang prestihiyosong “The Outstanding Population Structure (TOPS) regional award sa kategoryang Adolescent Health and Development at Population and Development Integration Component.

Pumangatlo naman ang Bulacan sa kategoryang Population Program Implementation.

Binigyang pagkilala naman ni Bulacan Gov. Daniel Fernando ang mga kawani ng lalawigan para sa aniya’y sigasig sa pagtupad ng kanilang tungkulin sa lalawigan.

Kabilang sa mga pinapurihan ng gobernador at Provincial Population Officer Rowena Tiongson ang mga kasapi ng Lingkod Lingap sa Nayon (LLN) at mga natatanging inang higit na kilala sa Bulacan bilang Mother Leaders.

sa probinsiya sa isang simpleng seremonya ng pagpaparangal sa ginanap na “Pangkalahatang Pagtitipon ng mga LLN at Mother Leaders” sa Capitol Gymnasium sa Lungsod ng Malolos.

Ani Fernando, hindi maisasakatuparan ng lalawigan ang mga programang pagkalinga sa mga residente ng Bulacan kung hindi sa sigasig ng mga nasabing samahang aniya’y katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagsasagawa ng development programs sa bawat barangay.

“Mother leaders at mga LLN, you are also part of this award. Sa mga parangal na ito, ipinapakita ng Panginoon na tayong lahat ay nagsisikap. Kayo ay katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagsasagawa ng mga programa para sa mga Bulakenyo. Pinasasalamatan ko kayo sa inyong aktibong pagbibigay ng serbisyo at sa patuloy na pangangalaga sa inyong mga barangay,” wika ng gobernador.

Layunin ng TOPS na kilalanin ang mga pamahalaang lokal na may katangi-tangi at huwarang kasanayan sa malawakang pagpapatupad ng Philippine Population and Development Program. (ELOISA SILVERIO)

83

Related posts

Leave a Comment