BULKANG KANLAON TULOY SA PAG-AALBOROTO

MULING nag-alboroto ang Bulkang Kanlaon makaraang makapagtala ng dalawangpung (20) volcanic earthquake sa nakalipas na magdamag, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs, patuloy na nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Kanlaon na namataan na nagbuga ng usok na may taas na 200 meters.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) maging ang pagpapalipad ng ano mang uri ng eroplano sa paligid ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog.

Ang Bulkang Kanlaon na matatagpuan sa Negros Occidental at Negros Oriental ay itinuturing na aktibo dahil sa mga nakalipas na pag-aalburoto nito. (PAOLO SANTOS)

Related posts

Leave a Comment