BUMANGGA SA BAKAL NA SIGNAGE, RIDER PATAY

CAVITE – Patay ang isang 28-anyos na rider nang sumemplang ang minamanehong motorsiklo sa isang konkretong barrier at bakal na signage sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi.

Isinugod sa Gen. Trias Medicare Hospital ang biktimang si Joval Solera Ceril, 28, ng Brgy. San Francisco, Gen. Trias City, subalit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo na Yamaha EZ habang binabagtas ang kahabaan ng Arnaldo Highway, Brgy. San Francisco, Gen. Trias City dakong alas-11:00 ng gabi patungo sa Brgy. San Francisco.

Ngunit pagsapit sa isang kurbadang bahagi ng kalsada ay hindi nito nakontrol ang kanyang manibela at bumangga sa isang kongkretong harang at bakal na signage kaya sumemplang dahilan ng kanyang malubhang sugat sa ulo.

(SIGFRED ADSUARA)

115

Related posts

Leave a Comment