BUMBAY INAMBUSH SA NAVOTAS

SUGATAN ang isang Indian national makaraang dalawang beses na barilin ng hindi kilalang suspek na sakay ng motorsiklo sa Navotas City.

Nakaratay sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa katawan si Kumar Sandeer, 35, ng Gen. T. De Leon, Valenzuela City, habang blangko pa ang pulisya kung sino ang suspek sa krimen.

Ayon sa saksing si John Andrei Arag, 35, pedicab driver, ipinipedal niya ang kanyang pedicab habang nasa unahan ang dalawang motorsiklo sa stop light sa Lapu-Lapu corner Dalagang Bukid, Navotas City, dakong 9:50 ng umaga noong Disyembre, nang barilin ng suspek ang biktima na bumagsak mula sa kanyang motorsiklo.

Bagama’t sugatan, tumayo ang biktima at sumakay sa kanyang motorsiklo saka isinugod ang sarili sa nasabing ospital na sinabayan ng pagtalilis ng suspek patungong C3 Road. (ALAIN AJERO)

41

Related posts

Leave a Comment