BUONG PWERSA NG MPD PLANTSADO NA SA UNDAS

BUONG pwersa ng Manila Police District ang plantsado na ni MPD Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon para sa pagbibigay ng seguridad sa paggunita ng Todos Los Santos (Undas) sa Nobyembre 1.

Bilang paghahanda sa Undas, seguridad ang unang prayoridad ni General Dizon para sa mga gugunita sa mga yumao sa Nobyembre 1, kaya ang buong puwersa ng pulisya ay itinalaga sa loob at labas ng apat na sementeryo sa Manila.

Dahil dito, nasa mahigit isang libong pulis ang ikakalat sa loob at labas ng Manila North Cemetery, Manila South Cemetery, La Loma Cemetery at Chinese Cemetery.  (RENE CRISOSTOMO)

8

Related posts

Leave a Comment