BUSINESSWOMAN HINATULAN NG ISANG TAONG KULONG SA TAX EVASION

HINDI pinanigan ng Court of Tax Appeals ang petisyon ng abogado ng isang negosyanteng ginang na inakusahang guilty sa kasong tax evasion.

Bukod sa hatol na isang taong pagkakulong, inatasan din ng CTA Second Division ang akusadong si “Julie”  may-ari ng isang enterprises sa Cubao, Quezon City, na bayaran ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng higit P16 milyon base sa “deficiency income” at “value-added taxes” para sa taong 2012.

Ayon kay Associate Justice Jean Marie A. Bacorro-Villena, ang ponente ng desisyon, binalewala umano ng ginang ang “assessment and collection notices” na ipinadala sa kanya ng BIR para sa mga babayarang buwis.

Sa kanyang depensa, ikinatwiran ng ginang na hindi niya alam na may mga utang siyang buwis na dapat bayaran dahil hindi siya napadalhan ng BIR ng anomang notices.

Ngunit ayon sa korte, alam ng negosyante ang kanyang mga obligasyon sa buwis dahil nagpadala ang CTA ng “preliminary and final assessment notices” maging mga “formal letter of demand” na natanggap ng kanyang ama sa kanilang bahay sa Dona Faustina Village, Novaliches, QC.

Hindi umano kapani-paniwala ang kawalan ng malay ng akusado sa kanilang mga obligasyon dahil sa naglabas pa ang BIR ng “seizure warrants” sa kanyang mga deposito sa 10 bangko. (RENE CRISOSTOMO)

109

Related posts

Leave a Comment