Butata sa WPS issue ROBIN MAG-RESEARCH KA MUNA – TRILLANES

BUTATA si Senador Robinhood Padilla nang magpatutsada si dating senador Sonny Trillanes IV na dapat isangguni ng una sa kanyang mga staff ang mahahalagang bagay bago magkomento.

Kasabay nito, hiniling ni Trillanes sa Senate media na itanong kay Padilla kung ano ang naging basehan nito sa pagsasabing natalo ang bansa sa Scarborough sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Nagbanggit ang dating senador ng ilang facts hinggil dito:

1. Wala aniyang Chinese ship sa loob ng Scarborough shoal:

2. Walang Chinese reclamation o base sa Scarborough shoal. Wala aniyang physical occupation ng China on Scarborough. Maaari aniyang i-verify ng media ang facts na ito sa Philippine Navy and Philippine Coast Guard.

3. Ang Philippine Baselines Law aniya, na siya ang principal author, ang official Ph claim para sa Scarborough Shoal at sa KIG.

“Our claims were acknowledged as compliant when the baseline coordinates and regime of islands claims as stated in the said law were formally submitted to the UNCLOS secretariat in 2009,” aniya.

4. Sa aniya’y Arbitral Tribunal ruling nong 2016 ay ibinasura ang 9-dash line claim of China sa Scarborough Shoal at sa Spratlys.

“Therefore, Ph has a much stronger legal claim over Scarborough than Ch. So, if there is no physical occupation by Ch and there are much stronger legal Ph claims, what is now the basis of this oft repeated lie that we lost Scarborough during PNoy admin? WALA!”

Aniya, sa kanyang pagsasaliksik hinggil dito, ang unang nagsabi na natalo ang Pilipinas sa Scarborough nang walang factual at legal basis, ay si Mr. Harry Roque.

Paulit-ulit din aniyang sinabi ito ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 campaign at makaraan itong manalo.

“So, as then Chairman of the Committee on National Defense and Security, I conducted hearings in 2013 and 2015 where I asked the Ph Defense officials then if we indeed lose Scarborough and they categorically said: “NO, WE DID NOT LOSE SCARBOROUGH.”

Inimbita niya aniya si Mr. Roque sa 2015 hearing upang marinig mismo sa kanya ang opinyon hinggil dito.

Binigyang-diin niya na ang lahat ng mga ito ay nasa Senate records.

“To the Ph media, next time a resource person says that we lost Scarborough during the PNoy admin, can you ask that person what is his basis for saying so? I assure you, hindi n’ya masasagot ito.

Kasi nga walang basehan.

You need to ask this because every time a Filipino resource person says this baseless statement, he is not only unwittingly weakening our position as regards Scarborough but also basically conceding our sovereignty to Ch. Such would be a very unpatriotic thing to do,” paliwanag pa ng dating senador.

Nagbigay rin siya ng unsolicited advice kay Senador Padilla.

“My unsolicited advice sa ‘yo ay mag-research o magtanong sa iyong mga advisers o staff bago magsalita tungkol sa mga importanteng bagay. Bilang isang halal na Senador, ikaw ay kumakatawan ‘di lang ng pula o green, kundi kasama na rin ang mga yellow, pink at ang mga hindi bumoto sa ‘yo. Senador ka naming lahat na Pilipino,” pagtatapos ng dating senador.

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

197

Related posts

Leave a Comment