CABANATUAN DRUG DEN NABUWAG

ISANG makeshift drug den ang nabuwag matapos ang isinagawang joint anti-narcotics operation ng PDEA Nueva Ecija Provincial Office – Region 3, kasama ang lokal na pulisya, sa Barangay Lourdes ng nasabing siyudad.

Tatlong drug personality ang naaresto sa isinagawang pagsalakay at nahulihan ng ilegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P102,000.

Kinilala ang mga naaresto sa entrapment operation  na sina Vergel Ignacio y Pascual alyas “Red Horse”, 41;  Joseph Lanticse y Requilme alyas “Budjong”, 50, at Lea Lanticse y Manalang, 41-anyos.

Batay sa report ng mga operatiba ng PDEA-RO3 kay Regional Director Bryan Babang, nagkasa ng buy-bust operation matapos na magpositibo ang kanilang nakalap na intelligence information hinggil sa drug activities ng mga suspek sa lugar.

Ang operasyon ay nagbunga ng pagkakasamsam ng pitong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 15 gramo na nagkakahalaga ng P102,000; samu’t saring drug paraphernalia, at buy-bust money.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022, ang isasampa laban sa nahuling mga suspek. (JESSE KABEL RUIZ)

23

Related posts

Leave a Comment