CAGAYAN NAGHAHANDA SA PANANALASA NI PAENG

NAPANATILI ng Tropical Depression Paeng ang taglay nitong lakas ng hangin, habang nananatili sa karagatan ng Pilipinas, bunsod nito, naghahanda na ang lalawigan ng Cagayan na posibleng tamaan ng bagyo.

Naitala ang lokasyon ni Paeng  sa layong 845 km sa silangan ng Eastern Visayas. Pero maaaring tamaan ng landfall nito ang Cagayan Valley sa weekend.

Sa ngayon ay taglay ng TP Paeng ang lakas na 55 kph at may pagbugsong 70 kph pero pinangangambahang magiging ganap itong tropical storm bunsod na rin nang mabagal na pagkilos nito pa-kanluran sa bilis na 10 kph.

Bukod dito, may umiiral ding shear line na nakakaapekto sa Southern Luzon at Visayas.

Bunsod nito, nagsimulang maghanda na ang provincial government ng Cagayan sa pang limang bagyong tatama sa lalawigan matapos itong hagupitin ng bagyong Florita at Neneng at dinaanan din sila ng typhoon Maymay at Obet kamakailan lamang.

Kahapon itinaas ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa northern portion ng Eastern Samar at eastern portion ng Northern Samar.

Ayon sa State weather bureau PAGASA, tinatayang tatama sa lupa si Paeng sa Aurora ngayong Linggo. May posibilidad din umanong magbago ng landas ang bagyo bunsod nang patuloy nitong paglakas dala ng nararanasang high-pressure area sa hilagang silangan. (JESSE KABEL)

8

Related posts

Leave a Comment