CALABARZON NANGUNA SA 1ST DAY NG NATIONAL VACCINATION DAY

0

LAGUNA – Sa unang araw ng 3-day National Vaccination ng pamahalaan, nangunguna ang rehiyon ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) sa buong bansa na nakapagtala ng pinakamaraming indibidwal na nabakunahan.

Mula sa datos ng Department of Health 4-A, umabot sa 216,357 ang nabakunahan noong araw ng Lunes, Nobyembre 29.

Sa inilabas na quick counts ng DOH4-A hanggang 3pm ng hapon, ang lalawigan ng Batangas ang may pinakamaraming nabigyan ng bakuna kung saan mayroong 60,68; sumunod ang Cavite, 48,636; Laguna, 47,068; Rizal, 35,855, at Quezon, 24,117.

Ayon kay DOH 4-A Regional Director Ariel I. Valencia, “Nagpapasalamat po ako sa lahat ng vaccination teams sa inyong sakripisyo ngayong araw, lalo na iyong mga hindi nag-cut-off at talagang inabot na ng gabi upang lahat ng nagpunta sa kanila ay mabakunahan”.

Malayo man ito sa isang milyong kada araw na target na kanilang ninanais, naabot naman ng kagawaran ang kanilang 340,00 daily target. (CYRILL QUILO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment