CASHIER GRINIPUHAN NG HOLDAPER

LAGUNA – Isang 20-anyos na cashier ang pinagsasaksak ng holdaper sa loob ng Tea Fryday Food Store sa Bonifacio St., Brgy. Canlalaya, sa Biñan City sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga.

Base sa ulat ng pulisya, kinilala ang biktimang si Annalyn Bajado , residente ng Brgy. Canlalay ng lungsod na ito.

Nasa mabuti nang kalagayan ang biktima sa Perpetual Help Medical Hospital, na tinamaan ng mga saksak leeg, kamay at dibdib.

Ayon sa paunang imbestigasyon, pumasok sa nasabing food store ang hindi kilalang suspek na nakasuot ng itim na jacket, green t-shirt, itim na pantalon at helmet.

Pagkaraan ay nagdeklara ng holdap ang suspek at kinulimbat ang P20,000 halaga ng pera mula sa kaha, at mobile phone ng biktima.

Gayunman, pumalag umano ang biktima na nagresulta upang pagsasaksakin ito ng suspek.

Matapos ito ay mabilis na tumakas ang suspek lulan ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Biñan City Market.

Sa ngayon, nagsasagawa ang mga awtoridad ng manhunt operation laban sa suspek. (CYRILL QUILO)

19

Related posts

Leave a Comment