CCTV OPERATOR TIMBOG SA SEXUAL ASSAULT

SWAK sa selda ang isang 41-anyos na binata makaraang arestuhin ng mga operatiba ng Manila Police District sa bisa ng warrant of arrest sa kasong sexual assault, nang matunton sa Taguig City noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Wilson David, CCTV operator, at residente ng Punta, Sta. Ana, Manila.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Orlando Mirando Jr., commander ng MPD Sta. Ana Police Station, bandang alas-9:30 ng gabi nang matunton ang suspek sa Neo Three Company sa 30th Street, Bonifacio Global City sa Taguig City.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Lyn Llamasares Gonzales, ng Regional Trial Court Branch 78 ng Malolos City, Bulacan, inaresto ang suspek sa pinagtataguan nito sa Taguig City, sa pangunguna nina P/Major Geuel Capuz, chief ng Intelligence Section, at Police Lieutenant Renato Ramento ng Warrant Section.

Nabatid ang kinaroroonan ng suspek makaraang ituro ng kaanak ng biktima ang pinagtataguan nito.

Si David ay top 4 most wanted person, station level. Inirekomenda ng korte na maglagak ang suspek ng P120,000 halaga ng pyansa para sa pansamantala niyang paglaya. (RENE CRISOSTOMO)

35

Related posts

Leave a Comment