CEASE AND DESIST ORDER INILABAS NG SEC LABAN SA SUPERBREAKTHROUGH ENTERPRISES

NAGLABAS ng cease and desist order ang Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa Superbreakthrough Enterprises Corp. dahil sa ilegal umanong pag-solicit ng investment sa publiko.

Sa isang dokumento na inilabas noong December 5, ipinag-utos ng SEC sa nasabing kumpanya na gamit ang pangalan na 1UP Tme, na itigil ang pagbenta ng securities na gumagamit ng investment contracts nang walang kaukulang lisensya mula sa ahensiya.

Sakop ng nasabing kautusan ang presidente ng Superbreakthrough Enterprises Corp. Julius Allan Nolasco at ang kanilang directors, officers at agents.

“A careful examination and analysis of the investment scheme of 1UP Time will readily show that its success and viability is heavily dependent on recruitment and/or entry of new investors who are guaranteed P500 per new recruit/referral,” ayon sa SEC en banc.

Una nang naging subject ng isang cease and desist order ng SEC si Nolasco dahil sa promotion ng kanyang illegal investment activities na pinapadaan sa Alphanetworld Corporation na mas kilala sa pangalang NWorld.

Lumabas ang order base sa ginawang monitoring activities ng SEC Enforcement and Investor Protection Department sa NWorld at kay Nolasco.

Sa nasabing monitoring activities nadiskubre ang operasyon ng Superbreakthrough Enterprises na nag-aalok ng mga health, wellness, skincare, at personal care product investment packages sa Youtube at Facebook.

Ang mga alok na produkto ay nagkakahalaga ng P10,000 hanggang P180,000 at pangakong 25% hanggang 35% returns ng product discounts, recruitment bonuses at iba pang incentives.

Rehistrado man sa SEC ang Superbreakthrough Enterprises bilang isang korporasyon, wala itong nakuhang secondary license na magpapahintulot na mag-alok ng securities sa publiko.

“1UP Time’s act of selling/offering product/investment packages which are securities in the form of investment contracts constitute sans the requisite registration statement necessarily defrauds the investment public and warrants the immediate issuance of a CDO,” dagdag ng SEC En Banc.

160

Related posts

Leave a Comment