CHECKPOINTS SA MANILA NAKAPOSTE NA

NAKAPOSTE na ang mga tauhan ng Manila Police District at puwersa ng NCRPO sa buong Maynila bilang seguridad sa panunumpa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa National Museum sa Padre Burgos St., Ermita, Manila ngayong araw.

Labintatlong puwesto ng checkpoint ang inilatag na sa sumusunod na mga lugar: sa Barangay 101 sa Mel Lopez Boulevard na dating Road 10 sa Tondo; sa Juan Luna sa Tondo; sa Blumentritt malapit sa Dimasalang na sakop ng Sta. Cruz; sa Blumentritt pa rin malapit sa panulukan ng Altura  sa Sampaloc; sa España sa panulukan ng Blumentritt Extension.

Nakaantabay rin ang mga pulis sa checkpoint sa Ramon Magsaysay Boulevard sa panulukan ng Altura St. sa Sta. Mesa; sa New Panaderos sa harap ng McDonalds sa Sta. Ana; sa Rizal Avenue sa panulukan ng R. Papa sakop ng Tondo; sa Lubiran Bridge sa Bacood; sa tulay ng Pinaglabanan; sa Roxas Boulevard malapit sa panulukan ng P. Ocampo St.; sa Taft Avenue sa kanto ng P. Ocampo, at sa 2nd street, Brgy. 649 Baseco Compound, Port Area, Manila. (RENE CRISOSTOMO)

77

Related posts

Leave a Comment