CHILD ABUSE SUSPECT TIKLO SA SOCIAL MEDIA

NASAKOTE sa Valenzuela City ang isang lalaking wanted sa child abuse sa Sorsogon City at halos anim na taong nagtago, matapos inguso sa isang message sending application sa social media.

Dinakip ng mga awtoridad si Christian Gargallo, 30, sa Centrum Plastic, Lamesa St., Barangay Ugong, Valenzuela City noong Martes, Disyembre 13, 2022.

Ayon sa pulisya, noong Lunes, Disyembre 12, nakatanggap sila ng mensahe sa social media na nagtatago sa Valenzuela si Gargallo at ibinigay rin ang lokasyon kung saan ito naglulungga kaya’t agad silang sumalakay at hinuli ang suspek.

Dinakip si Gargallo sa bisa ng active warrant of arrest na inisyu ng Irosin, Sorsogon Regional Trial Court Branch 55 para sa kasong paglabag sa Section 5 ng Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act noong Enero 24, 2017. (ALAIN AJERO)

32

Related posts

Leave a Comment