CHINESE CHEF DINUKOT SA PASAY, INABANDONA SA CAVITE

NAGPASAKLOLO sa pulisya ang isang lalaking Chinese national makaraang umano’y dukutin ng anim na kapwa Chinese at iniwan sa isang lugar sa Ternate, Cavite, nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Wen Non Su, 36, tubong Fujian, China, may-ari at chef ng AQ Kitchen sa Ayala Malls Manila Bay, Diosdado Macapagal Blvd., Parañaque City, at residente ng Pasay City.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng anim suspek na umano’y pawang mga Chinese national.

Ayon sa biktima, pauwi siya sa kanilang bahay sa Pasay City dakong alas-9:00 ng gabi noong Biyernes nang umano’y dukutin siya ng anim na ‘di kilalang mga Chinese national na sakay ng isang puting Toyota Grandia

Puwersahan umano siyang isinakay at piniringan ang mata at itinali ang kamay saka ibiniyahe hanggang sa ibaba sa Sitio Palay-palay, Brgy. Sapang 1, Ternate, Cavite.

Ang biktima ay nakatakdang i-turn over sa Anti-Kidnapping Group (AKG).

(SIGFRED ADSUARA)

131

Related posts

Leave a Comment