CHR-DOLE MOA, PROTEKSYON SA WORKERS’ RIGHTS – NOGRALES

WELCOME sa chairman ng House Labor and Employment Committee ang isang memorandum of agreement na naghahanap ng mga paraan para pagyamanin ang pakikipagtulungan para sa promosyon at proteksyon sa mga karapatan ng mga manggagawa.

“The MOA between the Commission on Human Rights and Department of Labor and Employment is a welcome development in the government’s efforts to uphold workers’ rights. I hope that through this MOA we can make significant headway in ensuring that our workers are protected against abuse,” ani Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles.

Ang kasunduan ng CHR at DOLE ay nabuo nang mangailangan ng mga paraan para pagandahin ang koordinasyon na mag-uugnay sa mga ahensiya ng gobyerno para sa promosyon at proteksyon sa mga karapatan ng mga manggagawa, na tinalakay sa high-level tripartite meeting na inorganisa ng International Labor Organization (ILO) kamakailan.

Layunin ng MOA na mapabuti ng CHR at DOLE ang pagsasagawa ng mga imbestigasyon, referral of cases, pagkakaloob ng free legal advice, training and promotional activities, at policy development, partikular sa karapatan ng mga manggagawa,

Ayon kay CHR Chairperson Richard Palpal-latoc, ang partnership ay naka-focus sa promosyon ng Freedom of Association and Right to Organize, na fundamental rights at mahalaga sa pagtitiyak na ang mga manggagawa ay itatratong may dignidad ’empowered economically’, at hinahayaang mapagyabong ang kanilang sarili sa kanilang ‘best versions’ sa kanilang pinagtatrabahuan.

Binigyan-diin pa ni Nograles, na isang Harvard-trained lawyer, ang pangangailangan para sa gobyerno na maglagay ng mga mekanismo na pinapayagang umunlad ang mga manggagawa upang lubos na makamit ang kanilang mga karapatan.

“This will require not only cracking down on employers with abusive practices, but also engaging with employers to discourage such abuses and stress that the protection of workers’ rights is ultimately to the benefit of the organization,” banggit pa ni Nograles.

Nagpahayag din ng tiwala ang mambabatas na ang kasunduan ay unang hakbang lamang ng pagsisikap ng gobyerno na manindigan para human rights ng mga manggagawa.

“I’m sure that we can expect more programs as an outcome of this partnership. Eventually, I hope that we can set up a working system involving all stakeholders in upholding workers’ welfare,” pahabol pa ni Nograles.

(JOEL O. AMONGO)

244

Related posts

Leave a Comment