COC FILING SA NEGROS ORIENTAL PINALAWIG NG COMELEC

PINALAWIG pa Commission on Elections (Comelec) hanggang Nobyembre 11 ang panahon sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) para sa congressional seat na kumakatawan sa 3rd District ng Negros Oriental, ang posisyon kung saan pinatalsik si Arnie Teves noong Agosto.

Unang itinakda ang COC period noong Nobyembre 6 hanggang Nobyembre 8 mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon pero dahil walang nag-file sa unang araw, pinalawig ito ng Comelec para mabigyan ng mas mahabang panahon ang aspiring candidates.

Si Teves ay pinatalsik sa puwesto dahil sa ‘disorderly behavior’ at paglabag sa Code of Conduct ng House of Representatives.

Samantala, pumalit naman si House Speaker Martin Romualdez bilang caretaker ng congressional seat.

Ang dating kongresista ay tinaguriang utak sa likod ng pagpaslang kay dating Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong Marso 4, at idineklara bilang terorista.

Nasa labas ng bansa si Teves mula noong Pebrero at hindi na bumalik para harapin ang mga kasong pagpatay na inihain sa kanya ng Department of Justice.

(RENE CRISOSTOMO)

252

Related posts

Leave a Comment