COL. GRIJALDO UMIIWAS MASINGIL NG QUADCOM?

MAY duda ang Quad Committee sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na sadyang umiiwas si Police Col. Hector Grijaldo na ‘masingil’ sa kanyang ikinanta sa Senado na pinilit siyang paaminin sa reward money sa war on drugs.

“He wants to run. Running away from his responsibility and mentioning the name of this representation. He tainted the image of this representation, not only of this representation but the whole of Quad Comm,” ani Rep. Dan Fernandez isa sa chair ng Quad Comm.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil sa ikatlong pagkakataon ay hindi dumalo si Grijaldo sa Quad Comm hearing noong Miyerkoles, dahil sa kanyang rotator cuff syndrome at kailangang ma-admit sa hospital.

Hindi ito pinaniniwalaan ng Quad Comm kaya magpapadala na ang mga ito ng doktor ng Kamara at Philippine National Police (PNP) para suriin ang kondisyon ni Grijaldo dahil isang buwan na umano niyang idinadahilan ang kanyang karamdaman.

“Clearly he wanted to evade this hearing. Ayaw niyang panindigan ‘yong mga sinabi niya doon sa affidavit niya sa Senado,” ayon pa kay Fernandez na ang tinutukoy ay ang testimonya ng opisyal na pinilit niya kasama si Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., na kumpirmahin ang isiniwalat ni dating Police Col. Royina Garma na may reward money sa bawat mapapatay na drug suspek.

Si Grijaldo ay isa sa mga ipinatawag na resource person ng Quad Comm dahil sa kaso ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board secretary at ret. Police Gen. Wesley Barayuga na pinatay sa Mandaluyong City noong July 2020 kung saan hepe ng Mandaluyong Police Office ang opisyal.

Gayunpaman, tatlong beses inindyan ni Grijaldo ang Quad Comm hearing kaya dapat nang masuri mismo ng doctor ng Kamara at PNP lalo na’t inamin ni PNP Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU) head Col. Rowena Acosta na noong November 7 lang ipinaalam ng opisyal na nagpa-ospital ito nang pagpaliwanagin kung bakit hindi dumalo sa pagdinig sa Kamara. (BERNARD TAGUINOD)

43

Related posts

Leave a Comment