COMELEC OFFICER BINASTOS, BRITON KINASUHAN

CAVITE – Patong-patong na kaso ang kinahaharap ng isang British national at isang retired military officer sa United Kingdom, matapos pagbantaan na papatayin, binastos at hinaras ang isang babaeng Comelec Officer sa Cavite City noong Linggo ng umaga.

Kasong unjust vexation at light threat ang kinahaharap ng suspek na si Paul Anthony Russel-Ware, may asawa, ng Brgy. 14, Cavite City dahil sa reklamo ni Jasmin Fernandez Gilera, 48, PWD, balo at isang Comelec Officer.

Ayon sa reklamo ng biktima, dakong alas-11:00 ng umaga noong Mayo 26, 2023, nang mapansin nito na may mga bato na nakaharang sa harapan ng kanyang driveway at nalaman nito sa isang kaibigan na si Russel-Ware ang naglagay nito.

Kinompronta ng biktima ang British national na noon ay nakatayo sa harapan ng kanilang bahay subalit nauwi ito sa mainitang pagtatalo at siya ay binastos at saka pinagbantaang papatayin. (SIGFRED ADSUARA)

45

Related posts

Leave a Comment