COMELEC PINASASAGOT SA PETISYON NG SMARTMATIC

PINASASAGOT ng Korte Suprema ang Commission on Elections (Comelec) sa petisyon ng Smartmatic, ang service provider ng automated election sa bansa.

Bukod sa Comelec, inatasan din magpaliwanag ang mga respondent na sina dating DICT Commissioner Eliseo Mijares Rio Jr., dating Comelec Commissioner Augusto Cadeliña Lagman, Franklin Fayloga Ysaac at Leonardo Olivero Odoño sa petisyon.

Mahigpit ang utos ng Korte Suprema sa mga respondent na isumite ang kanilang komento sa loob ng sampung araw.

Sínabi ng Kataas-taasang Hukuman na hindi palalawigin ang petsa ng paghahain ng paliwanag.

Kailangang personal na isumite ng mga respondent ang kanilang mga paliwanag.

Inatasan din ng Korte Suprema ang Process Serving Unit ng Office of the Clerk of Court En Banc na personal dalhin ang resolution sa mga respondent.

Una nang naghain ng petition sa SC ang Smartmatic laban sa desisyon ng Comelec na nagdiskwalipika sa naturang service provider na makalahok sa lahat ng bidding process sa mga susunod na eleksyon sa bansa.

(JULIET PACOT)

106

Related posts

Leave a Comment