COMMUTERS’ GROUP SINITA PAGSAWSAW NG MBC SA DESISYON NG OMBUDSMAN

PINUNA ng isang commuters’ group nitong Linggo ang pagsawsaw ng Makati Business Club (MBC) sa mga desisyong inilabas ng Office of the Ombudsman.

“Mind your own business,” ang ipinarating na mensahe ng Lawyers for Commuters Safety and Protection sa MBC matapos maglabas ang huli ng pahayag na pinarerekonsidera kay Office of the Ombudsman Chief Samuel Martires ang desisyon nitong alisin na sa serbisyo sina Manila International Airport Authority (MIAA) acting general manager Cesar Chiong at acting assistant general manager Irene Montalbo, dahil sa kasong ‘grave abuse of authority’.

“The Makati Business Club has no personality to the case,” paliwanag ni Atty. Ariel Inton, namumuno sa Lawyers for Commuters Safety and Protection.

Tanging sina Chiong at Montalbo, ayon kay Inton ang maaaring umapela kay Ombudsman Martires sa pamamagitan ng paghahain ng Motion for Reconsideration.

Matatandaang ang Office of the Ombudsman ay naglabas ng desisyong aprubado ni Martires na sina Chiong at Montalbo ay napatunayang ‘guilty of grave misconduct and abuse of authority’ sa ginawang reassignments ng mga ito sa mahigit 300 empleyado ng MIAA.

Pinuna rin ni Inton ang malambot na pamamahala ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa ahensya kaya nangyayari ang mga gaya nang ginawa nila Chiong.

Ang pagpapatakbo umano sa DoTr ngayon ay maihahambing sa “hinalong kalamay” at kailangan ng ‘kamay na bakal’ para tumino.

(PAOLO SANTOS)

196

Related posts

Leave a Comment