CONVENIENCE STORE SA BACOOR, HINOLDAP

CAVITE – Inaalam pa ng pulisya ang kabuuang halaga ng cash na tinangay matapos na holdapin ang dalawang crew ng isang kilalang convenience store sa Bacoor City nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na humoldap sa Alfamart Convenience Store sa Main Road, Kamias St., Camella Springville, Brgy. Molino 3, Bacoor City.

Ayon sa salaysay ng store crew na sina Mary Rose Lotoc at John Abarintos kay P/SSgt. Kelvin Kenneth Casaman ng Bacoor City Police, dakong alas-2:40 ng madaling araw nang pumasok ang mga suspek sa nasabing convenience store at nagkunwaring mga customer.

Ngunit paglapit ng mga suspek sa mga crew, naglabas ang mga ito ng ‘di nabatid na kalibre ng baril, tinutukan ang dalawa, nagdeklara ng holdap at puwersahang kinuha ang dalawang android phones at ‘di nabatid na cash na kita ng tindahan.

Matapos ang insidente, tumakas ang mga suspek dala ang tinangay na cash at cellphone. (SIGFRED ADSUARA)

127

Related posts

Leave a Comment