COVID-19 CASES SA CALABARZON, LUMAGAPAK SA 282

covid

BUMABA sa 282 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Calabarzon, ayon sa inilabas na data ng Department of Health (DOH) Calabarzon-4A kahapon.

Batay sa datos, may mataas pa rin na aktibong mga kaso ang Cavite na may 102; habang 70 naman sa Rizal; kasunod ang Batangas, 46; Laguna, 45; Quezon Province, 18, at Lungsod ng Lucena na may naitalang isang aktibong kaso ng nakamamatay na sakit.

Habang naitala naman ang 26 na recoveries sa buong rehiyon at dalawa ang namatay sa naturang sakit.

Samantala, inabisuhan ang publiko na patuloy na sumunod sa minimum health and safety protocols na itinakda ng pamahalaan para makaiwas sa COVID-19. (ENOCK ECHAGUE)

98

Related posts

Leave a Comment