COVID CASES BUMULUSOK SA NCR

covid

BUMULUSOK sa 2.4% ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) bagama’t bahagyang mas mataas ang kabuuang naitala na 2.7%, ayon sa OCTA Research Group kahapon.

Ayon sa ulat ni OCTA fellow Dr. Guido David, naitala ang 2.4% rate sa Metro Manila noong Enero 21, na higit na mas mababa sa 3.7% na naitala noong Enero 14.

Ang positivity rate ay ang porsyento ng mga indibidwal na nagpopositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga sumailalim sa Covid test.

Samantala, iniulat din ni David noong Linggo ng gabi, bahagya ring bumaba ang nationwide COVID-19 positivity rate sa 2.7% na lamang noong Enero 22, 2023, mula sa dating 2.8% noong Enero 21, 2023.

Sa Luzon, karamihan ay nasa “low” o mas mababa sa 5% ang naitala noong Enero 21.  Kabilang dito ang Albay (3.5%), Bataan (2.5%), Batangas (4%), Benguet (2.5%), Bulacan (2%), Cagayan (4.5%), Cavite (1.8%), Ilocos Norte (2.9%), La Union (2.2%), Laguna (2.8%), Nueva Ecija (3.1%), Pampanga (3.4%), Pangasinan (1.4%), Quezon (2.2%), at Zambales (4.3%).

Ngunit may ilan ding lalawigan na mas mataas pa rin sa 5% ang positivity rate.  Kabilang dito ang Camarines Sur (8.7%), Isabela (10.7%), Oriental Mindoro (9.1%), Palawan (16.7%), Rizal (5.5%), at Tarlac (6.6%). (RENE CRISOSTOMO)

22

Related posts

Leave a Comment