CRIME RATE SA NCR TUMAAS

BAHAGYANG tumaas ang crime rate sa National Capital Region (NCR).

Hindi naman itinatanggi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagsipang ito ng crime incident sa Metro Manila simula nang ipatupad ang Alert Level 1.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni (NCRPO) PLT Col. Jenny Tecson, na kalimitan sa mga insidente na kanilang naitatala ay iyong mga nangyayari sa loob ng mga establisimyento o mga malls.

Subalit, hindi aniya ito kontrolado ng mga pulis lalo pa’t may mga gwardya na talagang nakadeploy sa commercial establishments na ito.

Magkagayon man, sinabi ni Tecson, may mga additional personnel na silang idineploy upang matiyak na mapipiglan ang pagtaas pa ng crime rate sa kalakhang Maynila. (CHRISTIAN DALE)

93

Related posts

Leave a Comment