CRIMINOLOGY STUDENT PATAY SA PAMAMARIL

QUEZON – Patay ang isang criminology student matapos pagbabarilin sa bayan ng Pagbilao sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi.

Kinilala ng biktimang si Jayvee Eballo Ramos, 18, 1st year criminology student.

Batay sa report ng pulisya, dakong alas-10:00 ng gabi, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo habang angkas ang kanyang girlfriend. Ngunit pagsapit sa Sitio Ulbok, Brgy. Mapagong, nang pagbabarilin ang biktima ng dalawang hindi kilalang suspek.

Bagama’t tinamaan ng bala sa dibdib ang biktima ay nagawa pa nitong imaneho ang motorsiklo hanggang sa kanilang bahay.

Agad itong isinugod ng mga kaanak sa MMG Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis at inaalam ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa krimen. (NILOU DEL CARMEN)

27

Related posts

Leave a Comment