DA WHO? MAYOR SA RIZAL OPERATOR NA RIN NG PERYA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

SA halip na maging huwaran ng mga kabataan, hayagan ang kabalbalan ng isang alkalde ng isang bayan sa lalawigan ng Rizal. Ito ay dahil pati peryahan umano ay pinasok na rin nito sa hangaring makalikom ng pera para sa nalalapit na halalan.

Tawagin natin sa pangalang Alanis the Lion ang mayor na higit na kilala sa Rizal sa sandamakmak na kabalbalan sa loob at labas ng lokal na pamahalaan.

Sa kanyang bayan na matatagpuan sa baybaying bahagi ng Laguna de Bay, hindi lang isa ang kanyang peryahan na dinudumog ng mga kabataan — pero hindi para sa mga adrenaline rides tulad ng ferris wheel, caterpillar at iba pa.

Ang pakay ng mga kabataan – ang sugal lupa sa loob ng peryahan ni mayor. Pati mga obrerong bagong sahod, hilahod paglabas ng peryahan matapos mabudol ng mga kamador ng illegal na pasugalan. In short, ubos ang sahod.

Ang masaklap, naging tagpuan na rin umano ng mga drug pusher at parokyanong adik ang mga naturang peryahan na matatagpuan sa kahabaan ng national roads – isa malapit sa munisipyo at ang isa naman nasa hangganan ng Metro Manila. Doon nagaganap ang abutan ng pera, shabu at marijuana, ayon sa source ng SAKSI Ngayon.

Pero ang mga pulis dedma lang sa garapalang abutan ng droga, color game, drop ball at iba pang larong may pustahan — kasi nga may pakinabang. Bukod sa lingguhang patong sa hepe at kay kapitan, gabi-gabi may nangangalabit, umoorbit ika nga.

Sino ba naman kasi ang nagtulak sa mayor na yan na pasukin ang negosyong peryahan? Walang iba kundi ang tuta niyang si King Elefante!

Bulong ng mga impormante, hindi lang si mayor ang may-ari ng dalawang peryahan sa kanyang nasasakupang bayan. Meron siyang pakner na kilala sa industriya ng perya – isang alyas Daisy Penson.

Si Penson ang nangapital habang si mayor naman ang protektor. Pero teka, hindi ba’t may peryanteng nakunan na ng pera si mayor? Bakit niya biglang ipinasa sa iba? Mas malaki siguro ang suhol.

At si Penson? Kilala yan sa sugal-lupa. Lahat yata ng ilegal na sugal meron yan, kaya nga labs ng kapulisan.

Tanong ng mga Rizaleño kay Rizal provincial police chief Col. Felipe Maraggun — ano ba ang meron sa dalawang peryahan ni Daisy Penson? Hindi ba nila kaya si Daisy Penson? Kung hindi kayang ipasara ng mga pulis ang kanlungan ng bisyo sa lokalidad na ito, siguro naman pwede natin ibulong kay PNP chief Rommel Marbil na palitan na lang ang mga bata niyang inutil.

 

36

Related posts

Leave a Comment