DADALO SA CHINESE NEW YEAR ABROAD, KUKUHA NG REENTRY PERMIT SA BI

PINAALALAHANAN ng Bureau of Immigration (BI) officials sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang mga residente sa bansa na nagpaplanong magdiwang ng Chinese New Year sa abroad, na magproseso ng kanilang reentry fees sa anomang BI’s offices bago sila lumipad.

Ayon kay BI Port Operations Division Chief Atty. Carlos Capulong, ang paalala ay kasunod ng inaasahang pagdagsa ng mga biyahero na pipila para sa kanilang re-entry fees sa immigration cashiers ng departure area sa tatlong NAIA terminals.

Sa ilalim ng immigration laws, ang foreign nationals na nakarehistro sa BI, na may hawak na valid immigrant and non-immigrant visas, ay kailangang kumuha ng exit at reentry permits sa tuwing lalabas ng bansa.  Kabilang dito ang permanent residents, foreign students, at workers holding valid ACR I-cards. (JOEL O. AMONGO)

17

Related posts

Leave a Comment