DAGDAG-PERSONNEL TUGON NG BI SA DAGSA NG TURISTA

SA hangaring tiyakin ang mabilis at maayos na prosesong kalakip ng inaasahang pagdagsa ng mga turista kaugnay ng nalalapit na kapaskuhan, hindi bababa sa 150 personnel ang itatalaga ng Bureau of Immigration (BI) sa mga pangunahing paliparan kabilang ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa lungsod ng Pasay.

Sa kalatas ng kawanihan, inihayag ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang paspasang pagrerebisa ng mga aplikasyon para sa 150 posisyon bilang immigration officer para sa pagsusuri at pagproseso ng mga dokumento ng mga byahero.

Bukod sa mga immigration officers, nagbukas rin aniya ng 28 pwesto sa posisyon ng administrative aides na makakatulong sa tanggapan ng BI sa mga paliparan.

Gayunpaman, nilinaw ni Tansingco na bukas ang kawanihan sa posibilidad ng pagkuha sa mga aniya’y bagong mukhang may pusong makabayan.

“We’re on our way to recovery and as such the bureau would be needing a new breed of officers who have the passion and patriotism for public service,” pagtatapos ng opisyal. (FROILAN MORALLOS)

61

Related posts

Leave a Comment