DAGDAG PROTEKSYON SA MGA MAMAMAHAYAG, IGINIIT

BINIGYANG-DIIN ni Senador Mark Villar ang pangangailangang dagdagan ang proteksyon sa mga Filipino journalist sa pamamagitan kasunod ng panibagong kaso ng pagpatay sa mamamahayag sa Misamis Occidental.

Isinusulong ni Villar ang Senate Bill 2335 o ang proposed Journalist Protection Act bilang pagkilala sa panganib sa buhay ng mga mamamahayag.

Kasabay nito nagpahayag ng pakikiramay ang senador sa mga naiwang pamilya at kaibigan ni Juan Jumalon.

Iginiit ni Villar na hindi dapat nararanasan ng ating mga kababayan ang pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay na gumaganap lamang sa kanilang tungkulin.

Alinsunod sa panukala, bibigyan ng dagdag na insurance coverage tulad ng disability at death benefits, at reimbursement ng medical costs ang mga journalists at empleyado ng media entities.
Ang panukala ay nakapending na sa pagtalakay ng Senate Committee on Mass Media.

(Dang Samson-Garcia)

138

Related posts

Leave a Comment