KALABOSO ang isang 37-anyos na dalaga makaraang arestuhin sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 (cyber libel) sa bahay nito sa Pasay City noong Martes ng hapon.
Kinilala ang suspek na si alyas “Rose”, jobless, ng Pasay City.
Ayon sa ulat na isinumite ni Police Staff Sergeant Solomon Bataller kay Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, commander ng Manila Police District – Malate Police Station 9, bandang alas-5:30 ng hapon nang arestuhin ang suspek sa pangunguna ni Police Major Salvador Iñigo Jr., hepe ng Station Intelligence Branch, katuwang si Police Captain Jose Ric Morelos ng Warrant Section.
Ang suspek ay inatasan ng korte na magpiyansa ng halagang P120,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya habang dinidinig ang kaso sa husgado.
(RENE CRISOSTOMO)
106