DALAGANG FRAT MEMBER ITINUMBA

NAMATAY habang inoobserbahan sa pinagdalhang pagamutan ang isang 19-anyos na dalaga makaraang malapitang baunan ng bala sa ulo ng hindi kilalang suspek sa Block 1, Dubai Street, Barangay 649 , Baseco Compound, Port Area, Manila.

Linggo ng hapon, dakong ala-1:00 nang ideklarang patay na ang biktimang si Maica Salapate ng nasabing lugar.

Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Manila Police District – Homicide Section upang matukoy ang pagkakakilanlan ng tumakas na suspek habang nangangalap ng testigo ang mga awtoridad para sa ikalulutas ng kaso.

Noong Enero 20, bandang alas-5:00 ng hapon nang barilin umano sa noo ang dalaga ng hindi kilalang gunman na mabilis na umeskapo makaraan ang pag-atake.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na kaanib ang dalaga sa Alpha Kappa Rho Fraternity. (RENE CRISOSTOMO)

19

Related posts

Leave a Comment