DALAGITA SABAYANG HINALAY NG 15-ANYOS AT JOWANG BADING

kulong

HINDI na nagawang pumalag ng isang 15-anyos na binatilyo matapos dakpin ng pulisya sa bisa ng isang mandamiento de arresto kaugnay ng isinampang kaso ng menor-de-edad ding babae na di umano’y halinhinan nilang hinalay ng karelasyong bakla.

Bagamat arestado ang hindi pinangalang suspek, patuloy naman ang manhunt operation sa baklang suspek na kasama umanong gumahasa sa biktima sa lungsod ng Marikina.

Ayon kay Lt. Michael Danao na tumatayong hepe ng Marikina City Police – Warrant and Subpoena Unit, inaresto ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at mga kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 15-anyos na suspek sa kanyang pinaglulunggaang bahay sa lungsod ng Caloocan.

Batay sa mga dokumentong kalakip ng warrant of arrest na nilagdaan ni Marikina City Regional Trial Court Judge Edwin Valdez, nahaharap ang suspek sa patong-patong na asunto kabilang ang Statutory Rape, Acts of Lasciviousness at paglabag sa mga probisyon sa ilalim ng Republic Act 7610 (Women and Children Protection Act).

Agad namang inilipat ng mga operatiba ang menor-de-edad na suspek sa kustodiya ng DSWD.

Samantala, isang 35-anyos na security guard ang dinakip ng pulisya kaugnay ng di umano’y paulit-ulit namang panggagahasa sa 11-anyos na anak.

Kinilala ang suspek sa pangalang Christian Sirchion, na kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya habang hinihintay ang commitment order mula sa husgado.(ENOCK ECHAGUE)

13

Related posts

Leave a Comment