DATING CNN BEIJING BUREAU CHIEF ITINALAGANG PH ENVOY TO CHINA

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dating Beijing bureau chief ng CNN na si Jaime FlorCruz bilang bagong Philippine ambassador to China.

Si FlorCruz ay kabilang sa listahan ng mga nominado na kamakailan lamang ay nailathala ng Commission on Appointments.

Ayon sa dokumento, itinalaga siya noong nakaraang Oktubre 19.

Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pa ring pagkumpirma mula sa Malakanyang at hindi pa nakapagpapalabas ng appointment papers sa media hinggil sa pagkakatalaga kay FlorCruz.
Si FlorCruz ay magkakaroon ng “concurrent jurisdiction” sa North Korea at Mongolia.

Ang posisyon bilang Philippine ambassador to China ay nabakante nang mamatay noong nakaraang Abril si Jose Santiago “Chito” Sta. Romana sa  edad na 74.

Si FlorCruz, 71, ay nagsilbi bilang TIME Magazine’s Beijing Bureau chief and correspondent and Newsweek’s correspondent in China.

Base sa kanyang biography na naka-post sa CNN, kinokonsidera si FlorCruz bilang “dean” ng foreign press corps sa Beijing, itinuturing na  longest-serving foreign correspondent sa China sa ngayon.

Siya ay naging two-term president ng  200-member Foreign Correspondents’ Club of China at miyembro ng  Edward R. Murrow Press Fellow sa Council on Foreign Relations sa New York.
Si FlorCruz ay nag-aral, nagtrabaho at bumiyahe sa China ng mahigit 40 na taon at naging journalist ng nasabing bansa simula 1980. (CHRISTIAN DALE)

48

Related posts

Leave a Comment