DATING SANGKOT SA DROGA ITINUMBA NG TANDEM

LUCENA CITY – Patay ang isang lalaking dating nakulong dahil sa illegal drugs, matapos na pagbabarilin ng riding in tandem suspects sa noong Linggo ng gabi.

Nalagutan ng hininga habang nakaupo sa minamanehong tricycle ang biktimang si Randy Arguiñoso Baldonado, 33, residente ng Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City.

Batay sa report, dakong alas-11:45 ng gabi, minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle sa Old Maharlika Highway patungong  Lucena City proper nang habulin ito ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo.

Pagtapat sa biktima ay pinagbabaril ito ng backrider. Mabilis ding tumakas ang mga suspek matapos ang krimen.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay dating nakulong dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o illegal drugs at nakalaya lamang nitong Disyembre 2022.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam kung ano ang motibo sa krimen at kung sino ang mga suspek. (NILOU DEL CARMEN)

119

Related posts

Leave a Comment