DEGAMO SLAY CASE, IIMBESTIGAHAN SA KAMARA

LIMANG congressman ang naghain ng resolusyon para paimbestigahan sa kaukulang mga komite sa Kamara ang hinggil sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong Marso 4.

Sa House Resolution (HB) 825, nais nina Zambales Rep. Jefferson Khonghun, La Union Rep. Francisco Paolo Ortega, Misamis Occidental Rep. Sancho Fernando Oaminal, Sorsogon Rep. Marie Bernadette Escudero, at Quirino Rep. Midy Cua na alamin ang dahilan ng pagpatay kay Degamo.

Magugunitang pinasok ng armadong kalalakihan ang compound ng bahay ng mga Degamo sa Paloma, Negros Oriental at pinagbabaril si Degamo na ikinamatay nito at ng 8 pang katao.

Layon din ng imbestigasyon na pag-aralan kung kailangang dagdagan ang security ng government officials dahil sa ngayon ay limitado sa dalawang pulis lamang ang itinatalaga sa mga ito para sa kanilang seguridad.

Bago pinasok at pinatay si Degamo ay napag-alamang humingi ito ng karagdagang security dahil sa matinding death threat na natatanggap umano nito.

Sa katunayan, sumulat umano si Degamo sa ilang senador para mabigyan ito ng karagdagang seguridad.

“Extra security must be put into practice by the local government police in order not to hinder the continuity of government services making the public officials free from unnecessary fear and apprehension of danger that might affect their personal lives,” ayon pa sa resolusyon. (BERNARD TAGUINOD)

176

Related posts

Leave a Comment