DENTAL CLINIC SA CAVITE HINOLDAP NG ‘PASYENTE’

CAVITE  – Tinutugis ng Cavite Police ang isang 27-anyos na lalaki na nagpanggap na pasyente sa isang dental clinic makaraang holdapin ang nasabing establisimyento at tinangay ang P25,000 cash at gadgets sa Dasmariñas City, Huwebes ng gabi.

Personal na dumulog sa tanggapan ng pulisya ang mga biktimang sina Ria Anne Valenzuela y Animas, 25, dentista; Patricia Kaye Mendoza y Sambrano, 25, dental assistant, at Melody Dela Cruz y Gustilo, 30, pasyene.

Kinilala naman ang suspek sa pamamagitan ng gallery ng pulisya na si Jeffrey Encarnacion y Malimban, ng Satellite II, Brgy. Sabang Dasmariñas City.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi nang pumasok ang suspek sa Smile Craft Dental Clinic sa Brgy. Zone 4, Dasmariñas City at nagpanggap na pasyente.

Ngunit nang nasa loob na ng dental clinic, bigla itong naglabas ng ‘di nabatid na kalibre ng baril at itinutok sa mga biktima at tinangay ang tatlong cellphone, gintong bracelet at P25,000 cash saka mabilis na tumakas. (SIGFRED ADSUARA)

19

Related posts

Leave a Comment