‘DI NAKAPAG-REMIT SA DROGA, TULAK TINANIMAN NG BALA

PATAY ang isang 36-anyos na lalaki makaraang barilin ng hinihinalang hitman nang hindi umano makapag-remit mula sa itinulak na 25 gramo ng shabu, sa Mel Lopez Boulevard, Tondo, Manila noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Joseph Lao, residente ng Lico Street, Tondo.

Samantala, patuloy na naghahanap ng testigo ang mga awtoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng gunman.

Nabatid sa ulat ni Det. Zoilo Nazario, may hawak ng kaso, si Lao umano ay hindi nakapag-remit ng benta ng droga kaya inutos ng notoryus na tulak na itumba na lamang si Lao.

Bandang 1:30 ng hapon nang pagbabarilin ang biktima sa Mel Lopez Boulevard na dating Road 10, malapit sa Smokey Mountain sakop ng Barangay 128 sa Tondo. (RENE CRISOSTOMO)

62

Related posts

Leave a Comment