DILG KUMAMBYO SA SHOW CAUSE ORDER VS ISKO

BINAWI ng Department  of Interior and Local Government (DILG) ang inilabas na show cause order laban sa alkalde ng Maynila dahil sa umano’y kakulangan ng pamahalaang lungsod sa anti-illegal drugs operations noong 2018.

Sa isang memorandum na pirmado ni Interior Undersecretary Ricojudge Janvier Echiverri, nakasaad na ang nailabas na show cause order ay isang “inadvertent re-issuance.”

Dahil sa pagkakamali at base na rin sa kanilang polisiya at procedures na sinusunod sa kagawaran, sinabi ni Echiverri na kanilang binabawi ang show cause order laban sa alkalde.

Base sa memorandum, may nauna nang show cause order na pinadala sa Manila City government noon pang 2019 dahil bagsak ang lungsod sa anti-Drug Abuse Council audit noong 2018.

Pero ayon kay Echiverri, ang tinutukoy sa naturang memorandum ay ang mahinang performance ng local government unit sa ilalim ng liderato ni dating Mayor Joseph Ejercito Estrada.

Magugunitang kumalat sa social media ang nasabing show cause order kasunod ng pagtatangkang salakayin ng mga computer hacker ang official websites ng Maynila na sinundan ng pagdagsa ng

mga hinakot na magpapabakuna mula sa mga karatig lalawigan na hindi rehistrado at walang hawak na QR Codes. (JESSE KABEL)

105

Related posts

Leave a Comment