DISQUALIFICATION CASE NI SENATOR RAFFY TULFO IBINASURA

NAWALAN na ng saysay ang reklamo laban kay Senador Raffy Tulfo makaraang ibasura ng Commission on Elections (Comelec) ang “motion for reconsideration” sa disqualification case dahil sa kawalan ng balidong rason.

Unang dinismis ng Comelec ang disqualification case na inihain ng isang Julieta Licup Pearson laban kay Tulfo noong Marso 4, 2022. Naghain si Pearson ng mosyon na ibinasura rin ng komisyon nitong Pebrero 28.

Ayon sa Comelec, hindi napatunayan ng mosyon na sapat ang kanilang ebidensya laban kay Tulfo at hindi rin napatunayan na labag sa batas ang unang desisyon ng pagbasura sa disqualification case ng First Division base sa Section 1, Rule 19 ng Comelec Rules of Procedure.

Ipinaliwanag pa ng Comelec en banc na wala na sa kanilang hurisdiksyon ang kaso laban kay Tulfo makaraang maproklama na siya na Senador noong Mayo 18, 2022 at makapanumpa.
Nasa hurisdiksyon na ng Senate Electoral Tribune (SET) ang lahat ng election contests ukol sa mga miyembro ng Senado. (RENE CRISOSTOMO)

50

Related posts

Leave a Comment