DNA SAMPLES SA SUV TUGMA SA MISSING BEAUTY QUEEN

MULING nagkaroon ng major development ang kaso ng nawawalang beauty queen sa Batangas na si Catherine Camilon.

Ito ay matapos tumugma ang DNA samples na natagpuan sa abandonadong Honda CRV SUV, sa DNA samples na kinolekta mula sa mga kapamilya ni Camilon.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Police Major General Romeo Caramat Jr., ang mga hibla ng buhok at bahid ng dugo na nakita sa inabandonang pulang CRV ay tugma sa DNA ng mga kapamilya ng biktima.

Ayon kay Caramat, pagpapatunay ito na totoo ang sinasabi ng mga witness na nakita nilang binubuhat ng tatlong lalaki ang duguang katawan ni Camilon at isinakay sa CRV mula sa isang kotseng Nissan Juke noong Oktubre12.

Ang pulang CRV ay narekober ng mga tauhan ng PNP HPG 4A sa Barangay Dumuclay, Batangas City, noong Nobyembre 9, 2023 ng gabi matapos ituro ng dalawang saksi.

Ayon pa kay Caramat, ang kasong kidnapping at serious illegal detention na isinampa nila sa mga suspek, kabilang si Major Allan De Castro, ang main suspect sa pagkawala ni Catherine, ay mananatili hangga’t hindi natatagpuan si Camilon.

Napag-alaman na ang kotseng Nissan Juke ay pag-aari ni Major De Castro. Si De Castro ay kasalukuyang nasa restrictive custody pa rin sa PNP headquarters sa Calabarzon.

(NILOU DEL CARMEN)

157

Related posts

Leave a Comment