DOE PUPPET NG OIL COMPANIES – FORMER SOLON

TINAWAG ng isang dating mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Department of Energy (DOE) na puppet ng mga kumpanya ng langis dahil imbes na protektahan ang mga consumers ay sila pa ang unang nagdedepensa sa oil price increase.

“The DOE has become nothing but a mouthpiece of oil cartels, readily accepting their justifications for price increases without scrutiny. Instead of protecting the people’s interests, they have become enablers of corporate greed,” ani dating Bayan Muna party-list rep. Ferdinand Gaite.

Ginawa ng militanteng opisyal ang nasabing pahayag dahil muling magpapatupad ng oil price hikes ang mga kumpanya ng ngayong ngayong araw kung saan mahigit piso ang idadagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ipinaliwanag nito na isa sa mga tungkulin ng DOE kaya itinatag ito ay para protektahan ang interes ng mga consumers subalit hindi umano nila ito ginagawa at sa halip ay nagiging taga-pagsalita pa ang mga ito ng mga oil companies.

“Dapat maging mas maging proactive ang DOE lalo pa sa pagtutulak ng mas murang langis, tulad ng paglobby sa Kongreso na isalang na ang ‘Unbundling of Oil Prices bill’ at ang pagtanggal sa value added tax sa langis,” ani Gaite.

Sa pamamagitan ng nasabing panukala, malalaman ng mga consumers kung tama o overprice ang binibili nilang mga produktong petrolyo subalit mistulang ang DOE mismo ang hindi nagtutulak dito.

Kinalampag din ng dating mambabatas ang dalawang kapulungan ng Kongreso sa hindi pagbibigay prayoridad sa nasabing panukala dahil ito na lamang ang pag-asa ng mga consumers para bumaba ang presyo ng langis dahil nagiging puppet ng oil companies ang DOE.

“Dapat ding tuunan ng Kongreso ang mga panukalang ito at di lamang ang mga imbestigasyon dahil ang mga ito ang babawas sa gastusin ng ating mamamayan,” ayon pa kay Gaite.

“The people cannot wait any longer. We demand genuine price regulation and immediate intervention from the government. The DOE must stop being an apologist for oil companies and start fulfilling its mandate to protect public interest,” dagdag pa nito. (BERNARD TAGUINOD)

60

Related posts

Leave a Comment