NAKAPAGTALA ng 43 kaso ng rabies sa bansa mula Enero 1 hanggang Pebrero 18, na pawang namatay bago na-ulol, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH).
Gayunman, mas mababa ito ng 4% kaysa kaparehong panahon noong 2022, pahayag pa ng Kagawaran.
“Itong 43 na kaso na ito ay hindi rabies mismo. These are animal bite cases,” ayon sa pahayag ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.
Aniya, karaniwan umano ay kagat ng alagang hayop ang malaking bilang na naitala na kung saan ang nakagat ay ang may-ari.
Ang Central Luzon at Calabarzon ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng rabies infection, na may tig-walong kaso.
Sinundan ito ng Bicol Region at Davao Region na mayroon namang tig- 4 na kaso.
Ang rabies, ayon sa DOH, ay naisasalin sa pamamagitan ng laway at direct contact sa sariwang sugat ng biktima. (RENE CRISOSTOMO)
