DOUBLE STANDARD SA PAGPAPALAYA SA PRESO – SOLON

IGINIIT ni House Deputy Minority Leader Rep. Carlos Zarate sa Kongreso na pagtibayin na ang kanilang panukalang batas na pakawalan na o kaya ay payagan nang maglagak ng bail para sa kanilang pansamantalang kalayaan ang matatanda at sakiting mga preso.

Ginawa ng mambabatas ang nasabing pahayag matapos payagan ng Korte Suprema na makapag-bail si dating Presidential Commission on Good Government (PCGG) chairman Camilo Sabio dahil sa kanyang sakit.

“Convicted old and sickly person should now be made a new additional and humanitarian ground applicable for the release of deserving prisoners,” ayon sa mambabatas, dahil sa kaso ni Sabio.Si Sabio ay sinentensyahan ng Sandiganbayan ng anim hanggang 10 taong pagkabilanggo noong 2019 at perpetual disqualification from holding public office, dahil sa kaso ng katiwalian.

Kahit ang mga matatanda at sakiting political prisoners na sinampahan ng gawa-gawang kaso ay dapat umanong pakawalan dahil may mga namamatay sa kulungan.

“This ruling should immediately be made applicable to all prisoners under similar situations so as to prevent a repeat of what happened to farmer Antonio Molina, a sick and elderly political prisoner who died of cancer inside a Palawan prison last November,” ayon pa sa mambabatas.

Kinalampag din ng mambabatas na agad na aksyunan ang mga petisyon ng mga political prisoner para sa kanilang pansamantalang kalayaan upang hindi magaya ang mga ito kay Molina.

Si Molina ay unang hindi pinayagan ng korte na makapag-bail maliban lamang noong magpetisyon na ang prison officials sa Palawan subalit bago naibaba ang pinal na desisyon para sa pansamantala nitong kalayaan ay binawian na ito ng buhay sa kulungan.

“The SC Sabio ruling should stop the double standard in the release of prisoners,” dagdag pa ng mambabatas, kaya inihain ang House Bill (HB) 10535 upang isama ang mga matatanda at sakiting preso sa mga pakakawalan upang hindi mamatay ang mga ito sa loob ng kulungan. (BERNARD TAGUINOD)

4

Related posts

Leave a Comment