DRIVER NIRATRAT SA TRICYCLE

LAGUNA – Dead on the spot ang isang driver matapos na pagbabarilin ng riding in tandem gunmen habang sakay ng tricycle sa harap ng isang mall sa Sta. Rosa City, Laguna noong Linggo ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang si Marlo Bautista Caguimbal dahil sa mga tama bala sa katawan.

Ayon sa report ng Santa Rosa Police, dakong alas-8:00 ng gabi, nasa Gate 2 ng mall ang tricycle ng biktima nang harangin ito ng riding in tandem suspects at pinagbabaril.

Agad ding tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Cabuyao City.

(NILOU DEL CARMEN)

106

Related posts

Leave a Comment