DRIVER, PAHINANTE NAKURYENTE PATAY

MAGKASUNOD na nangisay at binawian ng buhay ang isang driver at pahinante nito nang sumayad sa high tension live wire ang kanilang dump truck sa kanilang pagdaan sa Taysan, Batangas.

Ayon sa ulat ng Batangas PNP, nasawi ang driver ng isang dump truck at pahinante nito nang gapangan sila ng malakas na boltahe ng kuryente mula sa isang live wire na kanilang nadaanan habang binabagtas ang national road.

Lumitaw sa imbestigasyon ng mga awtoridad noong martes ng gabi, habang inaayos ng driver ang rig ng dump box ng kanyang truck nang hindi niya namalayan na tumama ito sa isang live wire.

Agad nakuryente ng driver at nang makita ito ng kanyang pahinante ay tinangka pa siyang hilahin nito subalit maging ito ay ginapangan din ng mataas na boltahe kaya magkasama silang nangisay.

“Noong ini-angat po niya ‘yung dump box nu’ng truck, tumama po siya sa live wire, kasi madilim po,” pahayag ni Police Major Mickglo Mariñas, ang chief of police ng Taysan.

“Hindi po napansin ng driver natin na ‘yun po ‘yung naging rason kung bakit po siya nakuryente,” ani Maj. Mariñas.

(JESSE KABEL RUIZ)

61

Related posts

Leave a Comment