DRUG GROUP LEADER, 3 PA LAGLAG SA BUY-BUST

CAVITE – Hawak na ng Cavite Police ang lider at tatlong miyembro ng Gabin drug group makaraang maaresto sa buy-bust operation sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi.

Kinilala ang arestadong mga suspek na sina Justin Joshua Gabin y Casing, alias “Toto”, 24, lider ng Gabin drug group at nasa listahan ng high value individuals (HVIs); Abigail Topacio y Aberia, 25; kapatid nitong si Angelita Topacio y Aberia, 23, at Reynaldo Amoranto y Aberia, 37, at pawang mga residente ng Dasmariñas City.

Ayon sa ulat, dakong alas- 8:00 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang puwersa ng PDEU, Cavite PPO, at Station Drug Enforcement Group ng Dasmariñas CPS sa Brgy. Salawag, Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang 13 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P88,400, at ang buy-bust money.

Kasong paglabag sa Sec. 5, Sec. 26 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kahaharapin ng mga suspek. (SIGFRED ADSUARA)

23

Related posts

Leave a Comment